Lubog na nga ang Pilipinas sa korupsyon.
Lubog pa sa basura.
Ngayon, lubog na rin sa tubig.
Sabi sa balita, may limang buwaya na nakawala sa Rizal. Apat na ung nahuli. Isa pa ung naglalakwatsa sa baha.
Ay, mali. Madami pa palang mga buwaya na pakalat-kalat sa bansa. Sa Malacañang. Sa Senado. Sa Kongreso. Sa mga City Hall. Sa mga Barangay Hall.
Kaya wala tayong pambili ng rubber boats para isalba ang mga taong nangangailangan eh! Nasaan na nga ba ang Calamity Fund natin? Pinagkakakain na ata ng mga buwayang iyan!
Akalain mo, P1 bilyon lang ang inilaan na budget para sa mga kalamidad. Bago dumating si Ondoy, P27 milyon na lang. Kaya pala wala tayong pambili ng rubber boats! Kaya pala mas masipag pa ang pribadong sektor sa pag-abot ng tulong! Kaya pala naunahan ng ABS-CBN ang gobyerno sa pagpunta sa mga lugar na nasalanta ng bagyo!
Pero sa kabila nito, ang daming lumilitaw na bayani. Milyon-milyon.
Sa oras na wala na tayong pakialam sa kapwa.
Sa oras na wala nang nagtutulungan.
Sa oras na wala na tayong respeto sa bayan at sa kasaysayan nito.
Sa oras na wala nang mga bayani.
Doon pa lang ako mawawalan ng pag-asa.
Pero hindi pa dumadating ang oras na iyon. May pag-asa pa.










xiao baby pala ah.
--
For the Bayan, always.
--
For the Bayan, always.
and because this might be a bit too late as a comment in your journal entry - I totally agree. We know that we can hope for the best for our country because of Cory's LABAN. The least we can do is continue her legacy.
--
If your life flashed before you, what would you wish you would've done?
Live Like We're Dying, The Script/Kris Allen
--
For the Bayan, always.
--
Yume wo egaiteku yo.
~My heart draws a dream~
--
For the Bayan, always.
Previous Page12345...Next Page